Sampung dating pulis, na kabilang sa 22 pulis na akusado sa pagpatay sa aide ng isang natalong senatoriable at kasama nito mahigit tatlong taon na ang nakalilipas sa Cainta, Rizal, ang sumuko sa Legazpi City Police, Lunes ng umaga.
Dakong alas-10:30 ng umaga, kahapon, sumuko ang 10 sa Legazpi City Police Station na nakilalang sina P/SSg. Julius Villadarez; tubong Quezon; P/SSg. Richard Raagas, P/Cpl. Arthur Gerard Ignacio; Pat. Napoleon Relox; Pat. Jordan Antonio; Pat. Marvin Santos; Pat. Terry Anthony Alcantara, pawang mga taga-Rizal.
Kabilang din sa mga sumuko sina Pat. Efren Areola Jr. at P/Cpl. Merwin Macam, residente ng Pangasinan, at P/Cpl. Diogenes Barrameda Jr., taga-Antipolo City.
Ang mga sumuko ay dating mga miyembro ng Highway Patrol Group at Police Regional Office 4A.
Ang 10 dating pulis ay kabilang sa 22 mga pulis na sinampahan ng kasong double murder ng Antipolo City Regional Trial Court Branch 99 hinggil sa pagkamatay ng aide ni Atty. Glenn Chiong na si Richard Santillan at kasamang si Gessamyn Casing.
The post 10 ex-pulis na sangkot sa Cainta double murder sumuko first appeared on Abante Tonite.
0 Comments