2 kelot nagtulak pambiling Valentine’s gift

Dalawang drug suspek ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) makaraang kumagat sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa mismong Va­lentine’s Day sa Brgy. Bunducan, Bocaue at San Vicente, San Miguel kapwa sa Bulacan, Lunes ng hatinggabi.

Ang rason ng dalawa sa ginawa ay upang may panregalo umano nitong Pebrero 14.

Kinilala ng Bulacan PNP ang naarestong sina Arjon Castro ng Brgy. Bunducan, Bocaue at Jayson Calaunan alyas Ambo ng Brgy. San Vicente, San Miguel na kapwa nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong kriminal.

Alas-12:30 ng hatinggabi nitong Lunes nagsagawa ng buy-bust ang Bocaue Police SDEU at kanilang target si Castro, na hindi na nakapalag nang bentahan ng shabu ang pulis na poseur buyer.

Hindi na nakapalag ang suspek nang bentahan ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur-buyer.

Samantala, nakorner din si Calaunan sa buy-bust sa San Miguel.

Nakakumpiska ang awtoridad ng kabuuang 15 pakete ng shabu at buy-bust money sa dalawa na nagtulak sa mismong Araw ng mga Puso para may maipambili umano sila ng bulaklak para sa kanilang dyowa. (Jun Borlongan)

The post 2 kelot nagtulak pambiling Valentine’s gift first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments