2 pananambang sa NegOcc minaliit ni gov

Sinabi ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na walang rason para maalarma kasunod ng magkasunod na insidente ng pananambang sa bayan ng Binalbagan at San Carlos City.

Ani Lacson, hindi election-related ang dalawang insidente gayong inako na ng New People’s Army ang insidente sa Binalbagan.

Habang ang ambus sa San Carlos City ay malamang na kaso ng ‘mistaken identity’.

Samantala, kinumpirma ng gobernadora na ang pamilya ng isa sa mga namatay sa San Carlos City ay nanghingi na ng burial assistance.

Magugunitang noong Pebrero 13, isang police patrol car ng Binalbagan Municipal Police Station na rumesponde sa isang pamamaril sa Barangay Biao ang inambus ng mga miyembro ng NPA kung saan dalawang pulis at isang sibilyan ang nasugatan.

Makalipas ang isang linggo, pinatay ng hindi pa tukoy na mga gunman ang tatlo katao sa isang pananambang sa Barangay Palampas, San Carlos City. Isa sa mga biktima ang kalauna’y natukoy na kasama sa drug watch list ng pulisya. (Prince Golez)

The post 2 pananambang sa NegOcc minaliit ni gov first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments