Baboy, isda sasabayan taas-presyo ng petrolyo

Presyo ng baboy at isda pa rin ang bubutas sa bulsa ng mga tao sa susunod na mga buwan na dadagdag pa sa taas-presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, ayon sa isang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“Risks to the inflation outlook appear to be on the upside in 2022,” sabi ni BSP managing director Zeno Abenoja.

Binago ng Philippine Statistics Authority ang basehan sa pagkuwenta nito ng inflation ngayong taon. Ang basehan ng PSA sa pagsukat ng inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngayong taon ay ang mga presyo noong 2018 kaya malaki ang binaba ng inflation na iniulat nitong Enero 2022.

Ayon kay Abenoja, nakikita ng BSP ang inflation ngayong taon sa 3.7% gamit ang 2018 base year na tinatawag, higit na mas mataas sa unang forecast nitong 3.4% na taong 2012 ang ginamit na batayan.

Sabi ni Abenoja, ang mas mahal na presyo ng pagkain sa world market, ang mataas na oil price, at ang kakulangan ng supply ng baboy at isda ang sisipa pataas sa inflation ngayong taon.

Dagdag niya, huhupa naman ang inflation sa 2023 sa 3.3%, gamit ang 2018 na mga presyo bilang basehan. (Eileen Mencias)

The post Baboy, isda sasabayan taas-presyo ng petrolyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments