NI: ROLDAN CASTRO
Mahalaga ang role ng Queen of Indie Film Festival na si Cataleya Surio sa pelikulang 40 Days. Pinagbibidahan ito ng Pola, Oriental Mayor na si Ina Alegre.
“Ako po yong medyo kontrabida kay Mayora but in the end ang ganda ng lesson at values na iiwan naming dalawa sa mga viewer,” deklara niya sa aming chat tsikahan.
Si Cataletya ay nanalong best actress sa Singkwento International Film Festival 2019 para sa “Akin ang Korona” . Ganoon din sa Cinesb Special Edition Film Festival 2017 para sa “Paano ba Bihisan ang Isang Ina.”
Kumusta ang experience niya sa shooting since pandemic?
“Mahigpit pa rin po noong time na nag-shoot kami but since our material is about pandemic so ‘di naman po need ng big crowd sa film .Most of the scene naka-focus po doon sa subject which is Mayora,”lahad niya.
“Magaan po makipagtrabaho sa kanilang lahat. Madiskarte po at mabilis gumalaw si Direk Neal Tan,” dagdag pa niya.
Pinagmamalaki niya na ang eksena nila ni Mayor Ina ay isa sa puso ng pelikula.
Masarap ba mag-shoot sa Pola, Mindora ?
“Personally I love the place matahimik at very friendly po ang mga tao. Natutuwa rin po ako sa mga old stracture house na nandoon ,” pakli ng mahusay na aktres.
Ang pelikulang 40 Days ay may premiere night sa Linggo, February 27 sa Pola, Mindoro. Kasama rin sa pelikula sina James Blanco, Mgyz Molino at Michelle Vito.
The post Cataleya proud kontrabida ni Ina first appeared on Abante Tonite.
0 Comments