Chinese, 44 Pinoy sabwatan sa pautang scam

Nasa 45 empleyado ng isang online lending application, kabilang ang isang Chinese national, ang inaresto ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Linggo dahil sa ginagawa umano nilang pangha-harass at pagbabanta sa kanilang kliyente na hindi nakakapagbayad sa kanilang mga inutang.

Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Police Lt. Michelle Sabino, ilang reklamo ang kanilang natanggap laban sa kompanya o app na Cashtree Lending Corporation hinggil sa ginagawa nilang pagbabanta at pagha-harass sa kanilang mga kliyente.

Sinabi pa ni Sabino na ilan sa mga kondis­yon para maaprubahan ang inuutang ng isang kliyente ay magkaroon ng access sa kanilang phone contact at matapos maaprubahan ang loan ay ise-save ang kanilang contacts sa database ng kompanya.

“They harass the re­latives since the contacts are in their database.”

Saad ng PNP-ACG, wala umanong anumang certificate of authority o permit para mag-operate ang nasabing kompanya.

Bukod dito ay napa­kalaki umano ng interes at kapag hindi nakapagbayad ang isang umutang sa loob ng walong araw ay agad na tatawag ang database ng kompanya at magsisimula nang manakot.

Pinapayuhan din umano ng mga agent collector ng kompanya ang mga umutang sa kanila na mangutang muna sa ibang lending companya upang ma­kabayad sa kanila.

Sa ngayon ay nahaharap ang Cashtree sa kasong Cybercrime Prevention Act of 2021. (Edwin Balasa)

The post Chinese, 44 Pinoy sabwatan sa pautang scam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments