Curfew pasaway tigok sa pulis

Todas ang isang lalaki matapos makipagbarilan umano sa mga pulis dahil sa paglabag sa curfew sa Bangued, Abra nitong Linggo.

Kinilala ng Bangued Police Station (BPS) ang suspek na si Mark de Guzman, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa BPS, bago ang insidente, sinita umano ng mga pulis sa isang checkpoint si De Guzman na nakasakay sa isang motorsiklo dahil sa paglabag ng curfew hours sa nasabing bayan.

Sa halip na sumuko, bumunot umano ng baril ang lalaki at pinaputukan ang mga pulis. Doon na gumanti ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Patay si De Guzman bago pa dumating sa ospital dahil sa mga tinamong tama ng baril sa katawan.

Nasa alert level 3 ang Abra hanggang Pebrero 15, at sa ilalim ng nasabing quarantine status, mas nililimitahan ang paggalaw ng mga residente upang makaiwas sa pagkakahawa sa COVID-19. (Allan Bergonia)

The post Curfew pasaway tigok sa pulis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments