Isko bilib kay Ping

Balak ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Mayor Isko Moreno na kunin bilang anti-corruption czar si Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson kung papalarin siyang manalo sa eleksiyon sa Mayo 9.

“Senator Lacson is an asset to the country, that I guarantee. He has a particular skillset para sugpuin ang suliranin ng bansa and I do believe he is qualified to that,” sabi ni Moreno sa ginawa nitong pag-iikot Laguna kahapon.

Subalit sinabi ni Moreno na hindi naman niya pinangungunahan ang pasya ng mamamayan sa halalan at magagawa lamang niya ito kung siya ang mapipili ng taumbayan.

“I will cross that bridge when we get there, `di ko alam kung siya ang papalarin o ako ang papalarin,” ani Moreno.

Iginiit ni Moreno na kailangan ng kanyang administrasyon ang tulad ni Lacson. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Isko bilib kay Ping first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments