DBM nilabas halos P8B allowance ng mga frontliner

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.9 bilyong pondo para sa Department of Health (DOH) na gagamitin bilang One COVID-19 Allowance (OCA) ng mga kuwalipikadong public at private healthcare worker at iba pang frontliner sa pandemya.

Nabatid na nasa 526,727 frontliner ang kuwalipikadong makatanggap ng OCA.

Sa naturang halaga, P4.50 billyon ang inilaan para sa benepisyo ng mahigit 100,000 DOH plantilla personnel sa mga pampublikong ospital, opisina at mga rehabilitation center, kabilang na ang mga nakatalaga sa military at state university hospital.

Sabi pa sa pahayag ng DBM kahapon, ang natitirang P3.42 bilyon ay para sa 426,414 health worker sa mga local government unit at mga private health facility.

Nilinaw naman ng DBM na ibabase ang matatanggap na OCA sa level ng COVID exposure ng mga health worker at iba pang personnel alinsunod sa Administrative Order No. 2022-0001 ng DOH.

The post DBM nilabas halos P8B allowance ng mga frontliner first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments