Kapitbahay pinugutan ng may sayad

Pinagtataga ang isang lalaki ng kanyang kapitbahay bago siya pugutan at saka ipinarada sa gitna ng kalsada sa bayan ng Tibag, Tarlac City, Tarlac Martes ng tanghali.

Ayon sa Tarlac City Police Station (TCPS), inaalam pa nila ang pagkakilanlan ng biktima na pinugutan ng 42-anyos na suspek na nakilalang sa pangalang ‘Rommel’, ng naturang siyudad.

Sa inisyal na report, nangyari ang karumaldumal na insidente bandang alas-12:02 ng tanghali sa kalsada ng Paroba 1, Tibag, Tarlac City.

Nabatid na nag-away muna ang dalawa bago napikon ang suspek na sinasabing may diperensya sa pag-iisip. Nauwi pa umano sa batuhan ang dalawa hanggang sa kumuha na umano ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima.

Makikita naman ang bangkay ng biktima na nasa kalsada habang nakahiwalay nang ‘di kalayuan ang ulo niya sa nasabing lugar.

“‘Yon pong suspek natin ay mayroon pong diperensya sa isip. Bago po magtanghali, ay parang nagtalo sila nong kapitbahay niya at nagwawala itong suspek at nataga niya sa leeg itong biktima. Nong nataga niya ‘yong ulo niya, kinuha pa, itinakbo sa kalye kung saan patuloy siyang nagwawala sa gitna ng main road natin,” ani Pol. Lt. Col. Jake Manguerra, hepe ng Tarlac City Police.

Lumabas din na maging ang mga pulis ay tinangkang tagain ng suspek.

Pagkabatid sa insidente, agad na pagresponde ang pulisya kaya agad nahuli ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na nila.

Ayon sa TCPS, bago nahuli ang suspek, nakipaghabulan pa siya sa mga pulis hanggang sa binaril na siya sa paa para makorner.

Naaresto din naman ang suspek at saka dinala sa provincial hospital para maipagamot.

“Nakuhanan din namin ng information na dati pong gumagamit ng droga itong suspek natin,” ayon kay Manguerra.

Kuwento pa ng pulisya, kapag may natitiyumpuhan o may kursunadang dumadaan sa tabi ng suspek ay pinapalo niya ito hanggang sa nitong huli ay may hawak itong itak at namugot na.

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa TCPS at mahaharap sa kasong murder. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

The post Kapitbahay pinugutan ng may sayad first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments