Enchong Dee sumuko sa NBI

Boluntaryong sumuko umano si Enchong Dee sa himpilan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City nitong Lunes.

Ito’y kaugnay sa lumabas na warrant of arrest sa Kapamilya actor dahil sa P1 billion cyber libel case na hinain ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, nakadetine ang aktor sa opisina ng NBI.

Hindi rin umano kaagad na nakapagpiyansa si Dee dahil wala pang court order at lampas na rin sa working hours kaya wala nang tatanggap ng piyansa.

Ngunit kung titing­nan ang Instagram account ni Dee ay nakapag-story pa ito hawak ang kanyang aso.

Matatandaan na pinuntahan umano ang aktor ng mga pulis sa address nito sa Quezon City, ngunit hindi nakita doon ang aktor dahil paupahang bahay lang pala niya ito at hindi doon nakatira. (Ray Mark Patriarca)

The post Enchong Dee sumuko sa NBI first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments