Mga Pilipino sa binombang Russian ship ligtas

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado na maayos ang lagay ng mga marinong Pilipino ng isang barko ng Turkey na tinamaan ng bomba ng Russia habang nasa Ukraine.

Iba ito sa isa pang cargo ship na pag-aari ng isang Japanese firm, kung saan may isang Filipino crew member ang sugatan nang tamaan ng missile sa Ukrainian coast.

Ang may-ari ng naunang barko na Yasa Holding ang nagsabi sa Philippine Embassy sa Turkey na maayos ang lagay ng 11 Pilipino na sakay ng nasabing barko.

“According to the Personnel Relations Officer of Yasa, all crew members onboard, including 11 Filipinos, were not hurt and are safe. The Filipino crewmembers have already contacted their families in the Philippines,” ayon sa DFA.

Nasa siyudad umano ng Odessa ang barko ng Yasa Holding nang atakihin ito ng puwersa ng Russia. Papunta sana ito sa Turkey at darating sana sa Istanbul.

Tatlong non-military vessels ang tinamaan ng Russian invasion sa Ukraine. (Mark Joven Delantar/Kiko Cueto)

The post Mga Pilipino sa binombang Russian ship ligtas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments