Masayang ibinalita ni dating Rizal Governor and Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pag-apruba nila sa Board of Regents ng University of Rizal System (URS) ng pagkakaroon ng sariling College of Medicine.
Inaprubahan ito ng Board of Regents ng URS sa tulong at suporta na rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal.
Ayon kay dating Mayor Ynares ay katuparan ito ng pagnanais nila ni Sen. Joel Villanueva na magkaroon ng sariling kursong medisina sa Rizal na maaaring pag-aralan ng mga residente nito at mga karatig nitong bayan at probinsya.
“Dahil walang kolehiyo o unibersidad, public or private, sa buong Rizal na nag-aalok ng nasabing kurso, bilang isang doktor, tiyak ko, pati ni Senator Joel Villanueva, na ito ay higit na makatutulong sa mga kapwa nating Rizalenyo na nais na maging doctor o medical practitioner balang araw,” masayang pahayag ni Ynares.
Naniniwala din si Mayor Jun na malaking pagkakataon ito para dumami ang mga tutugon sa pangangailangang medikal ng lalawigan lalo na at nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.
The post Rizal may College of Medicine na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments