Ratsada ngayon ang pagbakuna kontra COVID-19 sa National Capital Region (NCR) para sa posibleng pagbaba nito sa alert level 1.
Sa kanyang pagdalo sa Laging Handa public briefing kahapon, inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes na pag-uusapan sa pulong ng 17 alkalde sa Metro Manila ang magiging alert level nito sa harap na rin ng patuloy na bumababang kaso ng COVID.
“Iyan po ay ibabase ng mga mayor sa datos po na araw-araw naman po nari-receive from DOH, IATF, NTF at ganundin po iyong kanilang experience sa ground,” sabi ni Artes.
Sa ngayon aniya, nakuha na nila ang target na bilang ng mga bakunadong indibiduwal subalit may mga kinakailangan pang maturukan laban sa coronavirus at ito ang tinututukan sa kasalukuyan.
“Sinisimot na lang po natin dito sa NCR iyong mga may comorbidities at iyong mga ilan pa pong mga senior citizen na dapat pa pong mabakunahan at gayundin po pinapalawig pa rin po natin iyong booster shot na medyo iyon po ang medyo below target po tayo,” paliwanag ng opisyal.
The post NCR alert level 1 kinakamada sa bakunahan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments