Kanselado? Roselle Nava inokray sa Twitter

Trending sa Twitter ngayong Linggo ang singer na si Roselle Nava matapos itong maging guest sa UniTeam rally sa Caloocan City nitong Sabado.

Inawit ni Roselle ang kantang ‘Umagang Kay Ganda,’ na siyang awitin sa mga political ad nina BBM at Duterte.

Bukod dito, hinarana rin niya ang mga taga-suporta ng UniTeam sa awitin niyang ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita.’

Sa kabila nito, kumanta lang si Roselle sa pagtitipon at hindi naman nagsalita tungkol sa pagsuporta sa mga kandidato..

Gayunman, naging trending topic pa rin ang singer sa Twitter.

Ito ay dahil muli na namang nag-ingay ang mga kontra kay BBM.Inokray nila Roselle sa pagtungo nito sa event ng UniTeam gaya ng ginawa nila kay Toni Gonzaga.

Cancelled na umano si Roselle sa kanila .

Pero, proud naman ang mga tagasuporta ng UniTeam sa ginawa ni Roselle. (MJD)

The post Kanselado? Roselle Nava inokray sa Twitter first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments