Sinalisihan ng kabaro: Pulis tinorotot ni misis

Sa mismong Araw ng mga Puso nahuli ng isang pulis ang kanyang asawa kapiling ang kabit nitong kapwa pulis sa Carmen, Davao del Norte.

Nahuli pa umano ang mga ito sa loob mismo ng kanilang kuwarto.

Matapos ireklamo ay inaresto at nakulong sina Robin Felliano Manatad, 28-anyos, na isa ring pulis, at asawa ng nagrereklamo na si Jackie Evardone Mahusay, 29.

Sa imbestigasyon, umaga ng Pebrero 14, nang abutan ng mister ni Mahusay na galing sa kanyang duty na magkasama sa isang silid sa kanilang tahanan ang dalawa.

Humingi ng tulong ang lalaki at naaresto ng barangay officials at Carmen Police ang misis niya at kalaguyo na kapwa pulis.

Desidido naman ang lalaki na kasuhan ang kanyang misis at kanyang katrabaho. (Kiko Cueto)

The post Sinalisihan ng kabaro: Pulis tinorotot ni misis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments