Pinayagan nang makapasok uli sa bansa ang mga bakunadong foreign national na negosyante o turista subalit may mga kinakailangan silang sundin at kabilang na rito ang travel insurance.
Sa inilabas na mga kondisyon ng Inter-Agency for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para sa mga dayuhan na nais bumisita sa Pilipinas simula sa Pebrero 10, 2022, kasama sa obligado nilang gawin ay ang travel insurance para sa COVID-19 na may minimum average na US$35,000 o P1.7 milyon habang nananatili sila sa ating bansa.
Kailangan aniyang magkaroon nito bago pa dumating sa Piipinas ang isang dayuhan.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaaring hindi payagang makapasok sa bansa o paalisin ang isang biyahero na mabibigong sumunod sa mga panuntunang ng IATF. (Aileen Taliping)
The post Travel insurance inobliga sa mga bakunadong dayuhan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments