2 kelot timbog sa boga, granada sa QC

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na may dalang baril at bomba sa Novaliches, Quezon City, ayon sa ulat nitong Martes.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Remus B Medina ang mga suspek na sina Carlo Condes, 36, at Cyrus Reyes, 41, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, ay nadakip ng mga operatiba ng Novaliches Police Station (PS 4) na pinamumunuan ni PLt. Col. Richard Ian T Ang.

Batay sa report, alas-8:30 ng gabi (Marso 13), nakatanggap ng tawag ang PS 4 hinggil sa dalawang armadong lalaki na pagala-gala sa Villareal Ave., Brgy. Gulod, Novaliches.

Agad na nagresponde ang mga pulis at nilapitan ang mga suspek at nang kapkapan ay nakumpiskahan ang mga ito ng caliber .357 baril, apat na bala ng caliber .38 at M203 grenade. (Dolly B. Cabreza)

The post 2 kelot timbog sa boga, granada sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments