Balik-eskuwela bubuhusan ng P1B TV, laptop

Naglaan ng P1 bilyong pondo ang Department of Education (DepEd) bilang suporta sa mga pampublikong paaralan para sa expansion ng limited face-to-face classes gaya ng mga television, speaker at laptop sa mga classroom.

Una nang inihayag ng DepEd na mayroong 4,295 paaralan sa 6,213 schools ang nagsasagawa ng limited face-to-face class sa bansa kaya mamamahagi sila sa lahat ng public schools ng television, speakers, at laptops bilang suporta sa blended learning ng expansion phase na pinondohan ng P1 billion.

Ayon kay Secretary Leonor Briones, ang progressive face-to-face ay bahagi ng blended learning na una nang nagsimula noong February at marami pang paaran ang nais ng in person classes.

“Nagdadagdag din kami ng resources, in addition to the regular budget. We are spending P1 billion more to strengthen the progressive expansion para sa mga schools,” ayon kay Briones.

Iniulat naman ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na naghanda ang ahensya ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget allocations para ma-implement ang coronavirus disease 2019 safety measures sa mga paaralan at maglaan ng learning materials for blended learning. (Vick Aquino)

The post Balik-eskuwela bubuhusan ng P1B TV, laptop first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments