232 natodas sa coronavirus

Bahagyang bumaba sa 853 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.

Subalit nakapagtala naman ng 232 pasyente na nadagdag sa bilang ng mga nasawi habang nasa 1,062 naman ang nakarekober matapos tamaan ng coronavirus.

Base sa DOH Case Bulletin no. 720 kahapon, umaabot na ngayon sa 3,665,747 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID sa Pilipinas.

May 50,230 ang mga aktibong kaso habang umakyat na sa 3,558,747 ang kabuuang bilang ng gumaling at 56,770 na lahat ang nasawi.

Patuloy din ang paalala ng DOH sa publiko na sundin ang mga pinatutupad na health protocol para iwas hawa at hindi na sumirit pang muli ang mga kaso ng COVID sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 232 natodas sa coronavirus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments