Patay ang isang lider diumano ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring engkuwentro sa mga sundalo sa Sumisip, Basilan kamakailan.
Base sa ulat, nakasagupa ng mga tropa ng 7th Scout Ranger Company, 5th Scout Ranger Battalion, First Scout Ranger Regiment ang mga miyembro ng ASG sa Barangay Baiwas.
Matapos ang 15 minutong putukan, iniwan ng kanilang mga kasamahan ang isang bangkay.
Kinilala ng Armed Forces of the Philippines ang namatay na si Radzmil Jannatul na diumano’y top-ranking ASG sub-leader sa Basilan.
Si Jannatul ang sinasabing pumalit kay senior ASG leader Furuji Indama na napatay ng mga tropa ng pamahalaan noong Oktubre 2020.
Wala namang namatay sa mga tropa ng gobyerno.
Patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang natitirang dalawang ASG sub-leader sa Basilan.
Ipinahayag naman ni AFP Public Affairs chief Col. Jorry Baclor na malaking tagumpay sa kampanya ng pamahalaan laban sa ASG ang pagkakapatay ng kanilang mga tropa kay Jannatul. (Kiko Cueto)
The post Abu Sayyaf boss sa Basilan todas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments