Mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang drug den operator at dalawang kasabwat ng mga ito sa Brgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.
Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) provincial officer sa tanggapan ni Mayor Myca Elizabeth Vergara, kinilala ang mga naaresto na sina Noel Bravo Sales, 32, at Rowena Ramos Sales, 29, kapwa residente ng Brgy. Mayapyap Sur, na mga itinuturong nagpapatakbo ng sinalakay na drug den.
Nasakote rin ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Roldan Ramos Cruz, 30, at Rina Grace Garcia Juarez, 22, pawang taga-Cabanatuan City.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang ikasa ang anti-illegal drugs operation kung saan nasamsam sa dalawang drug den ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at may timbang na 15 gramo.
Ayon sa PDEA, nagkakahalaga ang nakumpiskang shabu ng P103,500.00.
Bitbit ang mga suspek at nakumpiskang shabu kasama na ang mga drug paraphernalia at narekober na marked money, dinala ang mga ito sa provincial office ng Nueva Ecija. (Jojo De Guzman)
The post 2 drug den buking sa PDEA, 4 suspek timbog first appeared on Abante Tonite.
0 Comments