Bea rumesbak na ginamit sina John Lloyd, Dominic

Game na game na sinagot ni Bea Alonzo ang mga mean comments sa kanya ng mga netizens sa kanyang latest vlog.

Isa na nga rito ay ang akusasyon na user siya, sinungaling at gimikera. Na ginamit lang daw niya si John Loyd Cruz at ngayon naman ay naggagamitan lang sila ng boyfriend na si Dominic Roque.

“Ginagamit ko raw si John Lloyd? Parang okay lang din namang magpagamit daw siya. Charot!” natatawang sabi ni Bea.

Kidding aside, sey ng aktres, “magkasama kami sa 20 years, so parang in a way, we both benefitted from the partnership because for me, it’s a partnership more than anything and it’s a friendship. And sa friendship, pareho kayong nagbe-benefit do’n. It’s not a one-way-street.”

Sa bintang na naggagamitan sila ni Dominic, ayon kay Bea ay hindi raw niya ito magets.

“So, ibig sabihin, kapag nagka-dyowa ako, ibig sabihin, ginagamit lang ako or ginagamit ko? Hindi ko gets ‘yun,” sey niya.

“Sana maging okay ka kasi okay kaming lahat,” mensahe niya sa nagpadala ng rude comment.

Isa pang batikos na tinawanan lang ni Bea ay nakakairita raw ang kanyang boses kaya huwag nang magpilit kumanta.

“True rin naman,” tumatawa niyang pag-amin. “Ako rin naman, ayokong kumanta. Pero ganu’n talaga ang buhay. It’s part of the job, so pasensiya na.”

Naging seryoso naman ang aktres sa isang mean comment na may kulubot na siya at matanda na siya para kuning endorser.

“Actually, alam mo, dapat talaga ngayon, it’s about time na tigilan na ng mga tao na mag-shame ng mga tao na nagkaka-edad. I am 34 years old, I’m about to turn 35 this year and I am proud of it. And I am taking care of myself as much as I can. I exercise, I eat healthy. And parang feeling ko, proud ako sa hitsura ko at 34 years old.

“And kung kinuha ako ng certain brand, that was actually very flattering for me. Kasi, hindi ko naman ipinilit ‘yung sarili ko para kuhanin nila ako, di ba? So, I’m proud of it.

“And let’s stop shaming people for their age. It’s 2022!” pahayag ni Bea.

In fairness naman sa aktres, hindi naman siya nagpakita ng pagkapikon kahit na ang sasakit na ng mga komento ng bashers at ‘yung tipong sobrang nakakainsulto na talaga.

Biro nga niya, akala raw niya ay iiyak siya sa masasakit na comments pero keri naman daw pala.

Sey pa niya, kahit marami mang negative comments sa kanya, mas marami pa rin ang positive and thankful daw siya for this but at the same time ay ina-acknowledge niya ang mga kahinaan at pagkakamali niya.

The post Bea rumesbak na ginamit sina John Lloyd, Dominic first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments