Ruffa napagkamalang beki si Nikko: Lalaki ba siya?

Marami ang nawindang sa naging sagot ni Ruffa Gutierrez kay Luis Manzano nang maging guest siya sa nakaraang edisyon ng “I Can See Your Voice” sa Kapamilya network.

Natanong kasi ng TV host ang dating beauty queen tungkol sa bagay na ikina-shock nito kamakailan.

“Na-miss ko ang pamilya ko. Ito si Miss Ruffa, first time natin makasama, ikaw ba? Itong mga nakaraang araw, meron bang pinakabagong revelation, in general sa buhay mo, na nangyari na ikinagulat mo?” tanong ni Luis kay Ruffa.

Dito na isinambulat ni Ruffa ang tungkol sa kanyang impresyon kay Nikko Natividad na isa sa Singvestigators ng show.

“Sa buhay ko, iisipin ko pa, pero dito kay Nikko. Alam mo… super guwapo niyan, ang ganda ng katawan and everything, beki pala siya,”hirit ni Ruffa.

Ikinagulat naman ng panel ang kanyang tinuran na ikinorek siya sa pagsasabing straight si Nikko.

Agad namang humingi ng paumanhin si Ruffa sa pagkaka-misjudge niya kay Nikko.

“Lalaki ba siya? Oh my God! I’m so sorry,” bulalas niya.

Reaksyon naman ni Nikko: “Oh my God, kahit ako nagulat.”

Marami naman ang naaliw sa nakakalokang pag-aakala ng actress.

The post Ruffa napagkamalang beki si Nikko: Lalaki ba siya? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments