Coco ginawang bantay sa bahay ni Yassi

NI: ARCHIE LIAO

First time na nagpasilip ng kanyang magarang bahay si Yassi Pressman . Ito’y sa house raid na isinagawa ni Alex Gonzaga sa kanyang vlog.

Maganda ang disenyo nito na ang karamihan ay gawa nila ng kanyang kapatid na si Issa Pressman. Kakaiba at unique rin dahil voice controlled ang ilang bahagi nito.

Pinakita rin ni Yassi ang bagong bahagi ng kanyang bahay na nadagdag matapos nilang mabili ang katabing lote nila.

Na-reveal din ang pagiging pet lover ng aktres sa pag-aalaga niya ng dogs at snakes.

Bumilib naman si Alex sa pagiging enterprising ni Yassi sa pagpapalago pa ng kanyang mga negosyo.

Sa huling bahagi ng vlog, marami rin ang humanga sa action star peg ng dating miyembro ng FPJ’s Ang Probinsyano .Ipakita nito ang galing sa pagmo-motor.

Sinorpresa rin ni Alex si Yassi bago ito umalis.

Karay ang standee ni Coco Martin. Iniwan niya ang action figure para umano may bantay ang bahay ni Yassi .

Pabiro pa nitong sinabi na ito ay para magdalawang isip ang mga masasamang loob dahil makikita nila si Cardo Dalisay.

Matatandaang nakasama ni Yassi si Coco Martin sa FPJAP nang gumanap siya bilang si Alyana.

The post Coco ginawang bantay sa bahay ni Yassi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments