Duterte tumpak diskarte vs COVID – Palasyo

Ibinida ng Malacañang na nasa tamang direksyon ang mga naging diskarte ni Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang pandemyang dala ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, patunay dito ang pagbaba ng mga kaso ng COVID sa bansa gayundin ng mga pasyenteng nararatay sa ospital.

Dagdag pa ng kalihim na isa rin ang Pilipinas sa may pinakamababang bilang ng mga nasawi sa COVID.

“Yes, we are on the right track, definitely. The fact that we are one of the third lowest in COVID mortality at talagang napakababa ng utilization rate ng ating mga hospital beds, ibig sabihin walang pasyente, maayos lahat,” pahayag ni Andanar sa isang panayam kamakailan.

Pagpapatunay aniya ito na maganda ang naging pagtugon ng administrasyong Duterte sa pandemya hindi kagaya sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia na nakararanas ngayon ng panibagong pagsirit ng mga kaso ng COVID.

“We have a COVID policy unlike some of our neighbors in Southeast Asia. At ngayon nakikita natin, mayroong surge doon, may surge sa kabila. Pero tayo, nandiyan tayo, nag-o-open tayo ng ating ekonomiya. So this is a vindication to all of the tough policies that we followed during the last two years,” ayon pa kay Andanar.

The post Duterte tumpak diskarte vs COVID – Palasyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments