Wong kuminang, Choco Mucho eskapo

TEAM STANDINGS
GROUP A W L
*Cignal HD 4 0
*Choco Mucho 3 1
F2 Logistics 2 2
Chery Tiggo 1 3
Army 0 4

GROUP B W L
*Creamline 3 0
*Petro Gazz 2 0
PLDT 1 2
BaliPure 0 3

*Twice-to-beat in quarters

Pasiklab si Maria Deanna Izabella Wong ng 45 excellent sets kalakip ang 5 points upang kargahin ang Choco Mucho sa pinakamahigpit na paluan sa walong araw ng preliminaries kontra F2 Logistics, 21-25, 28-26, 25-20, 25-22 ng 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference sa Paco Arena sa Manila Huwebes ng gabi.

Ang pinakita ng 23-year-old, 5-foot-8 Cebuana libero ang nagkaloob sa kanya best player of the game at ng Pool A second seeding sa Flying Titans na tinapos ang bahagi sa 3-1 win-loss record, at gaya ng top seed Cignal ay may twice-to-beat edge sa quarterfinals simula sa Lunes sa pagdako ng liga sa tahanan sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Sinalya rin ni Wong at kampo sa No. 3 ang Crossovers na may twice-to-win disadvantage sa Last 8 patungo sa knockout semifinals.

Makakatuos ng Choco Mucho ang Group B third placer PLDT (1-2) samantalang nasa landas ng F2 ang Group B No. 2 Petro Gazz (2-1) sa torneong pinatatakbo ng Sports Vision Management Group Inc. (Aivan Episcope)

The post Wong kuminang, Choco Mucho eskapo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments