Kamara inaprub amiyenda sa Oil Deregulation Law

Inaprubahan ng House Committee on Energy ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Deregulation law.

Sa pagdinig kahapon ay inaprubahan din ng komite ang paglalabas ng apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session upang maaprubahan ng Kongreso ang panukala.

Sa pagdinig, binigyan-diin ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang kahalagahan na himayin kung ano ang pinagbatayan ng presyo na itinatakda ng mga kompanya ng langis para masiguro na walang overpricing.

“Hindi na dapat weekly changes in MOPS (Mean of Platts. Singapore) ang basehan ng price monitoring. This is to prevent firms from unjustly adjusting their pump prices based on weekly changes in MOPS even though their current inventories were bought at lower price levels,” sabi ni Quimbo.

Suportado rin ni Quimbo ang panukala na magtakda ng minimum inventory level sa mga kompanya ng langis na makatutulong umano upang ma-stabilize ang lokal na presyo ng petrolyo.

Ikinatuwa rin ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pag-apruba sa panukala bagama’t mas gusto pa rin umano ng Makabayan bloc kung tuluyang ibabasura ang oil deregulation law.

Bago nagtapos ang sesyon ng komite, ina¬prubahan ang mosyon na umapela kay Duterte na magpatawag ng special session upang maipasa ng Kongreso ang panukalang pag-amiyenda sa oil deregulation law. (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post Kamara inaprub amiyenda sa Oil Deregulation Law first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments