Malabong mabigyan ng pondo ng administrasyong Duterte ang hirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na P24 bilyong wage subsidy para sa mga manggagawa.
Sinabi ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Paola Alvarez na sobrang gipit na ang pamahalaan at patunay nito ang kakarampot na P200 kada buwan na karagdagang ayuda para sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.
“If we can’t afford the budget of more P200, I guess you know the answer to a P24 billion proposal,” ayon kay Alvarez sa panayam ng CNN Philippines kahapon.
Alam na umano marahil ng DOLE ang sagot sa kanilang mungkahi na pagbibigay ng P24 bilyong kabuuang ayuda para sa mga manggagawa kung hindi nila kayang higitan ang P200 cash subsidy para sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Aniya, tanging sa mga sektor lamang ng transportasyon at agrikultura ang pinaglalaanan ng pamahalaan ng ayuda.
Samantala, ipinaliwanag din ng Malacañang na mga mahihirap na sektor lamang ang bibigyan ng ayuda ng gobyerno dahil sa epekto ng mataas na presyo ng langis at hindi kasama dito ang middle class.
“Unahin po muna natin iyong most vulnerable o iyong most affected at mahihirap na kababayan at iyong mga minimum wage earner,” sabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
ani Andanar.
Kabilang sa mga ayudang ibibigay ng gobyerno sa mga apektado ng mataas na presyo ng langis ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, fertilizer subsidy naman para sektor ng agrikultura at dagdag na P200 cash subsidy sa 12 milyong mahihirap na pamilya sa loob ng isang taon. (Eileen Mencias/Mia Billones/Aileen Taliping)
The post Mga worker tinabla sa P24B ayuda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments