Sumulat ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na utusan nito ang mga Regional Tripartite and Productivity Wage Board (RTWPB) na bilisan ang pagresolba sa inihain nitong petisyon para sa umento ng sahod.
Ayon kay TUCP president at party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, lalong humihirap ang kalagayan ng may limang milyong minimum wage earner dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ipinunto rin ni Mendoza na ang panukala na isabatas ang umento sa minimum wage ay matagal at maaaring magbigay ng maling pag-asa sa publiko.
Nakabakasyon ang sesyon ng Kongreso ngayon at muling magbubukas pagkatapos ng halalan sa Mayo 9.
Ito umano ang dahilan kung bakit sumulat ang TUCP kay Duterte.
Maghahain din umano ang TUCP ng mga petisyon para sa pagtataas ng sahod sa ibang rehiyon. (Billy Begas)
The post TUCP pasaklolo kay Duterte sa umento first appeared on Abante Tonite.
0 Comments