29 tinamaan ng dengue sa Cagayan Valley

Umabot na sa 29 katao ang tinamaan ng dengue sa Cagayan Valley ngayong Abril na pinakamataas na bilang umano mula Enero hanggang Marso.

Naitala ang mga nasabing kaso sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Subalit inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical chief ng nasabing ospital, hindi pa maituturing na may dengue outbreak na sa rehiyon.

Ayon kay Baggao, sa nasabing bilang na na-admit sa CVMC, dalawa na lamang ang naiwan dahil nakalabas na ang iba pang pasyente.

Ang magandang balita aniya rito ay wala pang naitala ang CVMC na nasawi sanhi ng dengue.

Ayon sa opisyal, ang magandang balita dito ay wala pang naitatalang mortality dahil sa dengue sa CVMC.

Mula sa nasabing bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng dengue, 22 galing sa Cagayan, anim sa Isabela at dalawa sa Apayao.(Allan Bergonia)

The post 29 tinamaan ng dengue sa Cagayan Valley first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments