Matansero `nabingwit’ ng mangingisda

Hinihinalang ilang oras ng patay nang matagpuan ang bangkay ng isang matansero ng isang mangingisda na pumalaot sa karagatang sakop ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rodolfo Quijano y Baladjay, binata, taga-Barangay Amaya 4, Tanza at nagtatrabaho bilang tagakatay ng baboy.

Sa salaysay ni Silvestre Amasan, 51, kay Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-5:35 ng umaga nang pumalaot siya sa dagat upang mangisda at doon niya nakita ang bangkay ng naturang lalaki na hinihinalang may ilang oras pa lamang nasawi.

Wala naman umanong nakitang anumang sugat sa biktima. Wala rin nakitang bakas na pinahirapan ito kaya isinantabi na may nangyaring foul play sa kanyang pagkamatay.

Base umano sa ilang saksi, huling nakitang buhay si Quijano nang bumili ng alak sa isang tindahan. (Gene Adsuara)

The post Matansero `nabingwit’ ng mangingisda first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments