3 drug supplier nilambat sa Pasig

Arestado ang tatlong big-time supplier umano ng iligal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasig City.

Unang nadakip ang suspek na si Janet Baldonado na hinihinalang lider ng isang drug group sa Tambakan 2 sa Eusebio Avenue, Barangay San Miguel.

Nakumpiska sa 51-anyos na suspek ang P13,600 halaga ng shabu na may timbang na dalawang gramo.

Samantala, arestado rin ang top 5 most wanted na si alyas Jeffrey at kaibigan na si alyas Kalbo sa Brgy. San Joaquin.

Nakuha sa dalawa ang 500 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000.

Nahaharap ngayon ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Sherrylou Nemis)

The post 3 drug supplier nilambat sa Pasig first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments