3K binitbit sa gun ban

Pumalo na sa halos 3K o kabuuang 2,800 katao ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa ipinaiiral na election gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules.

Sinabi ni Año na mula Enero 9 hanggang Abril 25, nakapagtala na rin sila ng halos 2,700 gun ban violations.

“Mula January 9 hanggang April 25 ay may naitalang 2,692 gun ban violations at nakapag-aresto po tayo ng mga violators ng gun ban, umaabot sa 2,820,” ayon pa kay Año.

Idinagdag pa ng kalihim na nakakumpiska rin sila ng may 11,437 rounds of ammunition, 1,033 deadly weapons, at 2,147 na iba’t ibang uri ng armas.

Ang election gun ban sa bansa ay epektibo simula Enero 9 hanggang Hunyo 8. (Dolly B. Cabreza)

The post 3K binitbit sa gun ban first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments