Mag-utol, 8 pa dinakma sa buy-bust

Aabot sa P1.4M halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska habang 10 suspek ang nasakote sa magkakahiwalay na anti-criminality operation ng Southern Police District nitong Miyerkoles.

Sa Brgy. Valenzuela sa Makati City, timbog sa buy-bust ang 56-anyos na fish vendor na si Noel Herrera. Nakuha sa kanya ang 105 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P714,000.

Nahuli naman sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque City ang magkapatid na sina Ramon Alcatin Villoga, 38, at Mary Grace Alcatin Villoga, 29. Narekober sa kanila ang tatlong sachet na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Sa Brgy. Tunasan sa Muntinlupa City, 15 gramo rin ng shabu ang nakuha kina Rasdie Bagonte alyas `Pao’, 25, at Rustico Mantilla alyas `Ikong’, 45, matapos kumagat sa buy-bust operation.

Nasakote rin sa Brgy. Calzada-Tipas sa Taguig City ang umano’y tulak na si Julius Palma Esto alyas `Habal’, 40, kasama sina Roger Dizumimba Dimacuta, 39, at Mary Jane Luminda Agao, 28.

Nasabat sa kanila ang 37.3 gramo ng shabu na may street value na P253, 640.

Nahuli rin sa Taguig ang 32-anyos na si Mastura Lampay alyas `Tords’ matapos isailalim sa buy-bust sa Brgy. New Lower Bicutan, kung saan nakumpiska sa kanya ang 12 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81,600, at isang baril na caliber .38 na may mga bala.

Madaling araw naman kinabukasan nang damputin sa kanyang bahay sa Brgy. Fort Bonifacio ang 47-anyos na si Francisco Masangkay, dahil rin sa kaso sa droga.(Damien Horatio Catada)

The post Mag-utol, 8 pa dinakma sa buy-bust first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments