Walang lotto sa Semana Santa

Pansamantalang matitigil ang operasyon ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na linggo.

Ito ay bilang pakikiisa na rin sa taunang tradisyon tuwing Mahal na Araw.

“In observance of the Holy Week and as part of the annual Filipino tradition, changes in lotto draw and selling schedules shall be implemented pursuant to the approved lotto draw and selling operations during the lenten season,” batay sa lotto advisory ng PCSO nitong Sabado.

Nabatid na may bentahan pa ng ticket at draw mula Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo ngunit pagsapit ng Huwebes Santo ay tigil-operasyon muna ito hanggang Linggo de Gloria.

“We thank the gaming public for your continued patronage and support to all PCSO game products,” pahayag nito.

Balik-tayaan uli ng lotto sa Abril 18, ayon na rin sa kanilang anunsyo.

The post Walang lotto sa Semana Santa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments