Davao state of calamity kay `Agaton’

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Cateel sa Davao Oriental dahil sa pagbahang hatid ng bagyong Agaton.

Nitong Biyernes ay inaprubahan ng lokal na pamahalaan ang Resolution No. 14-2022, na naglalagay sa bayan sa ilalim ng state of calamity bunsod ng pagsalanta ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.

Ibig sabihih ay puwedeng gamitin ng lokal na pamahalaan ang 5 porsyento ng calamity fund para sa pangangailangan o relief goods ng mga apektadong pamilya. Gayundin sa pagkukumpuni ng mga nasirang ari-arian.

Nabatid sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nasa evacuation centers sa Cateel ngayon ang ilang pamilyang apektado ng bagyo.

Isinailalim na rin ang lalawigan ng Davao de Oro sa state of calamity nitong Biyernes matapos itong bayuhin ng low pressure area (LPA).

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (PDRRMC-RDANA), matinding pinsala sa tahanan, imprastraktura, kabuhayan, pananim at linya ng kuryente ang iniwan ng LPA sa lalawigan.

Wala pa namang pagtataya ang lokal na pamahalaan hinggil sa halaga ng pinsala na iniwan ng LPA. (MJD)

The post Davao state of calamity kay `Agaton’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments