Titser tulak ng dyowang preso

Isang titser at kanyang kinakasama ang kapwa inaresto sa buy-bust operation sa kanilang apartment sa Bacolod nitong Huwebes nang magsabwatan ang mga ito sa pagtutulak ng droga.

Kinilala ng pulisya ang magdyowang sina Gabriel Llenos Jr., 40, at Geraldine Bawa-an, 38, guro, kapwa taga-Barangay Sum-ag.

Nauna rito’y nakulong na noong 2016 si Llenos sa kasong droga at kakalaya lang nitong Marso.

Sinabi ni Mogato na habang nasa loob ng piitan si Llenos ay si Bawa-an umano ang naatasang makipagtransaksyon sa mga kliyente.

Sa pagkakadakip sa dalawa ay nakumpiska ng pulisya sa kanilang pag-iingat ang 73 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P530,400.

Ayon kay Police Lt. Joeven Mogato, ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), sina Llenos at Bawa-an ay kapwa na pamilyado pero nagsama pa rin at nagsosyo sa illegal drug trade.

Nakakulong na ngayon sa Police Station 9 ang dalawa na itinuturing na high value individuals.

The post Titser tulak ng dyowang preso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments