P4M pananim na marijuana ni-raid sa Kalinga

Mahigit P4 milyong halaga ng marijuana plantation ang sinira at sinunog ng mga awtoridad sa dalawang araw na anti-illegal drug operation sa lalawigan ng Kalinga.

Sa ulat ng Kalinga police provincial office kahapon, sinalakay ng mga operatiba ang tatlong marijuana plantation sa Barangay Tulgao West sa bayan ng Tinglayan na may mga nakatanim na 10,500 fully-grown marijuana.

May tumawag umano sa kanilang opisina at sinabi ang lokasyon ng marijuana plantation kung kaya’t agad na ikinasa ng pulisya ang pagsalakay at nagpositibo ito.

Maliban sa mga pananim na marijuana, sinamsam din ng mga operatiba ang nasa 15,000 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 5,000 gramo ng marijuana seedling na nagkakahala lahat ng P4,025,000.

Bigo na naman ang mga pulis na masakote ang namamahala sa plantasyon. (Allan Bergonia)

The post P4M pananim na marijuana ni-raid sa Kalinga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments