Ikinakasa ngayon ng Department of Health (DOH) ang paglulunsad ng townhall meetings at group discussions sa barangay health workers para paliwanagan ang mga ito sa bentahe ng pagpapa-booster shot.
Lumabas sa report ng ahensiya na karamihan sa mga barangay health worker ay tumatangging magpa-booster shot matapos makatanggap ng kanilang primary doses.
Mismong ang chairperson ng National Vaccination Operations Center na si Undersecretary Myrna Cabotaje ang nagkumpirma na marami sa BHWs ang tumatangging magpaturok ng booster shot gayong sila ang nasa frontline at nanghihikayat sa mamamayan para magpabakuna.
Paano sila susundin at paniwalaan ng mga tao kung sila mismong barangay health workers ay tumatanggi sa bakunang ibinibigay ng gobyerno.
Halos magmukhang sirang plaka na sa paulit-ulit na panawagan at pakiusap ang mga opisyal ng gobyerno para magpaturok na ng booster shot ang mga tao at magkaroon ng dagdag na proteksiyon pero mismong mga nasa gobyerno pa pala ang hindi sumusunod dito.
Ano ba ang mabigat na dahilan sa pagtanggi ng mga BHW na magpa-booster shot gayong nagawa naman nila ito sa una at pangalawang bakuna?
Kung nag-aalinlangan ang mga ito na magkaroon ng negatibong epekto o agam-agam na masobrahan sila sa COVID vaccine, di sana ay nangyari na ito sa mas maraming Pilipino na tumanggap ng kanilang booster shot.
Nahihirapan na nga ang gobyerno sa pagkumbinsi sa mga mamamayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magpabakuna ay dumagdag pa ang mayorya sa BHW na tumatanggi ng booster shot.
Malinaw po ang sabi ng nga eksperto, hindi po sapat ang primary doses dahil makalipas lamang ang ilang buwan ay unti-unting humihina ang bisa laban sa COVID-19 kaya kailangan ang booster shot.
Alalahanin na hindi pa COVID free ang Pilipinas kaya dapat patuloy na mag-ingat para hindi makalawit ng COVID -19.
Dapat samantalahin ang booster shot na ibinibigay ng gobyerno dahil walang mas mainam kundi ang pagiging maagap kaysa magsisi sa bansa bandang huli.
Marami na ang problema ng gobyerno para lamang matugunan at maprotektahan ang sambayanan kaya huwag na pong dumagdag ang sektor na ito sa kinakaharap na problema sa COVID-19 pandemic.
Isipin sana ng mga BHW ang kaligtasan ng kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan dahil sa posibilidad na sila ang pagmulan ng mutation ng COVID -19 kapag patuloy na magmatigas na huwag tumanggap ng dagdag na proteksiyon laban sa mabagsik na virus.
me width=”840″ height=”630″ src=”https://www.youtube.com/embed/iPvh0PeOLg4″ title=”YouTube video player” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>
The post Mga barangay health worker kinulang sa paliwanag? first appeared on Abante Tonite.
0 Comments