Vice ‘namakyu’ kay Vhong, nag-sorry

Na-realize agad ni Vice Ganda ang pagkakamali sa ginawang “dirty finger” sign sa live broadcast ng It’s Showtime last Saturday. Humingi kaagad siya ng dispensa bago matapos ang show.

Sa segment na “Showtime Sexy Babe” ay nahagip ng camera nang sumenyas ng dirty finger sign si Vice Ganda sa co-host na si Vhong Navarro habang nagbibiruan sila.

Kitang-kita rin na nagulat si Vice na nakunan ng camera ang kanyang ginawa.

Kaya naman bago sila tuluyang namamaalam sa show ay humingi siya ng sorry sa madlang pipol.

“Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng paumanhin dahil kanina naghaharutan kami ni Vhong Navarro at meron akong naibunton na hindi maganda kaya humihingi po ako nang paumanhin.

“Bad, bad, bad… that’s very bad, oo. Pero ayun, paumanhin po,” pahayag ni Vice.

Good thing, nag-sorry na agad ang TV host bago pa man lumaki ang insidente at kuyugin na naman sila ng bashers.

The post Vice ‘namakyu’ kay Vhong, nag-sorry first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments