Sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang youth development program nito na naglalayong matulungan sa pag-aaral ang mga kabataan at mas lalong mapabuti ang kanilang kinabukasan.
Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, ang SMC Educational Assistance Program ay kasalukuyang tumutulong sa 292 na elementary, junior high, senior high at college students sa mga host community nito sa Bulacan, Quezon, Batangas, at General Santos City.
Sinimulan ng SMC ang programa sa gitna na pandemya sa Sariaya, Quezon, kung saan nagtayo ang kompanya ng isang model sustainable housing relocation village na mayroong disaster-resilient homes, recreation at learning facilities, complementary fishermen’s dock, multi-purpose center, at public market na pinapatakbo ng mga mangingisda at magsasaka na naninirahan sa nasabing lugar.
Tinutulungan ng programang ito ang 43 kabataan ng mga pamilya sa Sariaya na binigyan rin ng training ng SMC sa entrepreneurial at iba pang kasanayan sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sinundan nito ang SMC Education Assistance Program para sa 81 beneficiary sa Bulakan, Bulacan, kung saan itatayo ang New Manila International Airport (NMIA).
Umaabot naman sa 129 na kabataan mula sa elementary, junior high, senior high, at college ang tinutulungan ng program sa Calatagan, Batangas. Sa General Santos City naman ay 39 na junior, senior high at college students ang kasama sa programa.
“Access to education is a basic right for the youth even with all the limitations brought on by the pandemic. And with an educated and equipped workforce as SMC’s partners in development in these areas, we are well on the way to achieving sustainable development and economic recovery post-pandemic,” wika ni Ang.
The post SMC inilatag programa sa edukasyon ng kabataan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments