Cayetano pinasalamatan ni Duterte sa panalo noong 2016

Hayagang nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kina dating House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig 2nd District Representative Lani Cayetano at mga Taguigenos sa kanilang pagsisikap na tulungan siyang manalo bilang pangulo ng Pilipinas noong 2016 elections.

Ang hakbang ay ginawa ni PRRD sa kanyang sorpresang pagdalo sa 1 4 Alan Konsyerto ng Pasasalamat noong Linggo ng gabi ( May 1) na ginanap sa Arca South sa syudad ng Taguig.

“Una sa lahat magpasalamat ako sa inyo mga taga-Taguig, and of course sina Lani pati si Alan Peter, kasi kayo ang gumawa para maging Presidente ako,” ayon kay Duterte sa harap ng maraming taong dumalo sa naturang pagtitipon bilang suporta sa pagbabalik sa senado ni Cayetano.

“Ngayon matatapos na ang termino ko at nandito ako ulit. Talagang alam ko na tinulungan ninyo ako,” dagdag pa ni Duterte.

Kasamang dumalo ni Duterte sa concert rally si Senator Bong Go. Ito ang unang pagkakaton na dumalo si Duterte sa isang concert rally ng isang national candidate kahit walang sinusuporthang presidential at vice-presidential candidate. Si Cayetano ang running mate ni Duterte sa presidential at vice presidential campaign noong 2016.

Sa introduction speech ay inihayag ni Cayetano ang paboritong Bible verse ni Duterte mula sa Ecclesiastes 3, na nagsasabing ‘’there is a time for everything, and a season for every activity under heaven.” Ikinagalak ni Cayetano na ginamit ni PRRD ang linyang ‘’to tear down and build’’ sa naturang bible verse para sa kanyang build, build, build program hindi lamang para sa imprastraktura kundi pati na rin sa buhay ng sambayanang Pilipino.

The post Cayetano pinasalamatan ni Duterte sa panalo noong 2016 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments