Malaking tulong ang paggamit ng face mask para makaiwas sa monkeypox na kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Europe.
Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvaña sa harap ng mga pangamba na baka makapasok ang monkeypox sa Pilipinas.
Ayon kay Salvaña, hindi kasing-bagsik ng COVID-19 ang monkeypox at siguruhin lamang na naka-face mask para hindi mahawa nito.
“`Yong ginagawa natin na naka-mask tayo lahat actually, mabisa `yan to prevent monkeypox. And it does not spread that fast, mas madali siyang i-contact trace and it’s not deadly,” ani Salvaña.
Mayroon din aniyang gamot laban sa monkeypox na maaari agad gamitin hindi katulad ng naging karanasan ng mundo sa COVID na kailangan pang gumawa ng bago para labanan ang virus.
“Marami tayong alam sa monkeypox, gumagana `yong bakuna against smallpox against monkeypox and meron na mga gamot na napakitang mabisa laban sa sakit na ito,” dagdag ni Salvaña. (Aileen Taliping)
The post Infectious disease expert: Face mask pangontra sa monkeypox first appeared on Abante Tonite.
0 Comments