Palasyo sinopla NGO report vs Duterte

Naging matagumpay ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic na kabaliktaran sa sinasabi ng isang non-government organization na pumalpak ang administrasyon, sabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar kahapon.

Reaksiyon ito ni Andanar sa ulat ng NGO na Innovation for Change na mali diumano ang mga sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga kaalyado na kusa na lamang mamamatay ang virus at gumamit ng gasolina bilang disinfectant.

Sabi ni Andanar, wala namang nakakaalam sa buong mundo na magkakaroon ng COVID pandemic at ang mahalaga aniya naging tagumpay ang pamahalaan na balansehin ang kalusugan ng mga mamamayan at naging maayos pa rin ang ekonomiya.

Ipinagmalaki pa ni Andanar na lumago pa aniya ang ekonomiya ng 8.3 porsiyento sa unang quarter ng 2022 at nilagpasan ang pre-pandemic level nito. (Prince Golez)

The post Palasyo sinopla NGO report vs Duterte first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments