Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang no physical contact apprehension sa mga lalabag sa batas trapiko.
Sa botong 180 pabor at anim na tumutol, inaprubahan sa sesyon ng Kamara nitong Lunes ang panukalang No Contact Traffic Apprehension Act (House Bill 10811).
Layunin ng panukala na magamit ang mga makabagong teknolohiya sa pagdisiplina sa mga motorista at maging ligtas ang kalsada.
Sa ilalim ng panukala, ang mga sasakyan na mahuhuling lumabag sa batas trapiko ay agad na iaalarma sa mga traffic agency upang mahanap ang may-ari ng sasakyan at makilala ang lumabag na driver. (Billy Begas)
The post Kamara inaprub no contact apprehension first appeared on Abante Tonite.
0 Comments