Lagpas 100 nalason sa pa-bihon ng politiko

Umabot sa 108 katao ang itinakbo sa ospital kasunod ng hinihinalang kaso ng food poisoning sa Lake Sebu, South Cotabato.

Sinabi ni Roberto Bagong, Lake Sebu disaster risk reduction and management council (MDRRMC) action officer, na ang mga nalasong biktima mula sa umano’y nilantakang bihon ay pawang mula sa mga remote areas ng Barangay Tasiman at Lamfugon.

Sinabi ni Bagong na 20 sa mga biktima ay mga kabataang kumain ng posibleng dala ng kanilang mga magulang matapos dumalo sa isang pulong Linggo ng hapon.

Ang local rescue teams, sa tulong ng emergency response teams mula sa kalapit barangay ay sumaklolo sa mga apektadong residente na nakaranas ng pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka.

Sinabi pa ni Bagong na ang mga na food poison ay bahagi ng malaking crowd na nagtipon-tipon sa isang political rally.

“We suspect spoiled ‘bihon’ (rice noodles) that were distributed during the gathering caused the food poisoning,” sinabi ni Bagong. (Kiko Cueto)

The post Lagpas 100 nalason sa pa-bihon ng politiko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments