2 totoy nanloob gamit pekeng baril

HULI ang dalawang totoy matapos magnakaw ng apat na ream ng sigarilyo sa convenience store sa isang gasoline station sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga Linggo ng gabi.

Ayon kay Kalinga Police Provincial Office (KPPO) P/Col Peter Tagtag Jr., maliban sa pagnanakaw, ang mga nahuling menor-de-edad na hindi na pinangalanan ay nakumpiskahan din ng mga toy gun na siyang ginamit umano nila sa pagnanakaw.

Base sa report, ayon kay Tagtag Jr., pumasok ang dalawang suspek sa isang tindahan sa nasabing gasolinahan na may sukbit na mga toy gun (replica) at walang sabi-sabing kumuha na lang ng mga ream ng ibat-ibang klase ng sigarilyo saka tumakas.

Agad namang nagsumbong sa pulisya ang cashier ng tindahan kaya mabilis na naaresto ang mga suspek.

Dinala sa Tabuk City Police Station ang mga suspek at nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development ng Tabuk City. (Allan Bergonia)

The post 2 totoy nanloob gamit pekeng baril first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments