Ipinahayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na posibleng tumaas ang presyo ng asukal dahil sa kakulangan ng supply nito.
Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, noong Pebrero pa nila nakikita na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng asukal sa bansa.
“As early as February, we have already projected that we will have a deficit in our sugar supply largely because of weather disturbances such as typhoon Odette, excessive rain and overcast skies which has been detrimental to the growth and sugar content of the sugarcanes in majority of sugar producing areas,” dagdag niya.
Binanggit din ng opisyal na lalong kukulangin ang asukal dahil sa mga restraining order na hinirit ng mga sugar producer kung kaya’t natagalan ang pag-angkat nito. (Ansherina Jazul)
The post Asukal namumuro sa taas-presyo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments