Ipapasa na sa administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa Marawi City na nawasak matapos kubkubin ng Maute terrorist group noong 2017.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, natapos nang inspeksiyonin ng Task Force Bangon Marawi ang mga proyekto sa naturang lungsod at lahat ng dokumentong may kinalaman dito ay kanilang ibibigay sa susunod na administrasyon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.
Si Del Rosario ang chairperson ng Task Force Bangon Marawi.
Tiniyak nito na magpapatuloy ang rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi dahil target ng task force na matapos ang 90% ng mga imprastraktura sa lungsod sa 3rd quarter ng 2022.
Itinatag ang task force sa bisa ng Administrative Order 3 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 28, 2017. (Dolly Cabreza)
The post Marawi rehab ipapasa na kay Marcos first appeared on Abante Tonite.
0 Comments